Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Program 1st Quarter 2024 Regional Convergence Team Meeting of DSWD Field Office 3
Matagumpay na naidaos ang pagpupulong ng iba't ibang ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development Field Office 3 - Central Luzon sa pamamagitan ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Program.
Katuwang ng programa ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Science and Technology (DOST), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Housing Authority (NHA), Technical Education and Skills Development Authority(TESDA), National Food Authority (NFA), Philippine Craft Insurance Corporation (PCIC), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), National Irrigation Administration (NIA) at ang Jose B. Lingad Memorial General Hospital (JBLMGH).
Layunin ng programa na mapalakas ang magandang relasyon sa iba't ibang ahensya at magkaroon ng malalimang pagpaplano para sa taong 2024 para mabigyan ng pagkakataon ang mga Community Based Organization (CBO) na maikonekta sa iba't ibang Government Feeding Program para mabawasan ang nagugutom, mabigyan sila ng maganda nutrisyon, at maialis sila sa kahirapan.
ABOUT EPAHP
a convergence program which aims to help mitigate hunger, ensure food and nutrition security, and reduce poverty in urban and rural communities, including marginalized communities