MONITORING

MONITORING

BINISITA ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development Field Office XII (DSWD FO XII) ang ilang Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) dito sa South Cotabato.
Pinuntahan ng mga kawani ng Sustainable Livelihood Program (SLP) at ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) ang mga SLPAs na kasapi ng Koronadal City SLPA Consumers Cooperative at Tantangan SLPA Consumers Cooperative.
Sa 20 SLP Associations, tatlo ang nabisita kung saan binigyan sila ng technical assistance at interventions ng mga Project Development Officers ng programa upang gabayan sila sa pagpapatakbo ng kanilang asosasyon.
Ang tatlong SLPA ay isa sa mga nagsu-supply ng iba't ibang uri ng preskong gulay sa tatlong Center and Residential Care Facility ng DSWD XII.
Sa ngayon, may nakatakdang pagbisita ang ahensya sa iba pang SLP Associations. (Patrick Lopez Villas/DSWD XII)
📸 courtesy: SLP-RPMO XII